12-17-14
Eto yung araw na binigay mo sakin ang napakaespesyal na regalong natanggap ko. Binigay mo to sakin as peace offering,xmas gft,newyrsgft at birthday gft. Hindi ko inaasahang bbgyn mo ako ng ganitong bagay. Hindi ko inaasahan na issurprise mko ng regalo mo. Tandang tanda ko pa yung araw na yun. Wala na ako ibang nasabi kundi Thankyou at Iloveyou. Sobrang saya ko ng mga araw na yan. Nung araw na ding yan, yan ung araw na narealize ko na sobra na pala kitang MAHAL. Na dapat ibigay ko na din ung best ko. Oo inaamin koo, sa unaaa takot ako. Takot na mahalin ka ng lubusan at mahulog ako ng sobra sobra. Takot akong mahalin ka ng sobra kasi baka iwan mo din ako tulad ng gnawa nila. Takot akong mahalin ka ng lubusan kasi baka gawin mo ung gnawa nila sakin. Takot akong mahalin ka ng lubusan kasi baka mahirapan akong umalis kapag binitawan mo ako. Lahat ng takot ko, inalis ko. Tinanggal ko lahat ng takot na nararamdaman ko. At minahal kita ng lubusan. At buong buo.
12-17-15
At ngayon, isang taon naaa.
Ang dami ng nangyri. Sobrang dami ng nangyri.
Masaya. Malungkot. Masakit.Disappointments.
Naghiwalay, Nagkasama, Nakabonding
Paulit ulit.
Kailangan ko pa ba ikwento lahat ng nangyri? Sa mga susunod na post naaa lang.
Last yr, natutunan kong hindi matakot na mahalin ka.
Ngayon, ang kailangan kong matutunan ay ACCEPTANCE.
After a year, naisip ko naaa. Eto na ung tamang oras.
Tamang oras para tanggapin ko kung ano na tlga tayo ngayon. Na hindi na natin kayang ibalik pa ang dating tayo. Na ngayon, magkaibigan na lang muna tayo. Na hindi ka committed sakin. At hindi ako committed sayo.
Na ngayon, hindi na tulad ng dati. May mga bagay man na katulad nuon pero alam ko ung pkikitungo mo, iba na. At kailangan kong tanggapin yun. Tanggapin na hindi mo ako kayang ipaglaban. Tanggapin na hindi mo ako kayang mahalin tulad ng dati. Tanggapin kung sino tlga ako.
Unti unti, natatanggap ko lahat ng mga nangyyri. Lahat ng nangyyri sa buhay ko. Sa buhay mo. At sa buhay nating dalawa. At tanggapin ang mga susunod pang mangyyri.
Ngayon,
Masaya akoo na nakakasama kita. Masaya ako na ngddate at ngbbonding pa tayoo. Andto lang naman ako lage sa tabi mo. Kapag kailangan mo ng karamay. Kapag kailangan mo ng kausapin. Kaasaran. Kakulitan. Andto ako lage at alam mo yun. Masaya ako na nkkwnthn pa kita. Masaya ako na nssbhn kita ng mga problema ko. Masaya ako dahil alam kong anjan ka para sakin. Masaya ako. Sobrang saya ko.
Sa kabila nun, yung pag-asa na magiging okay na okay tayo ulit. Iisantabi ko na lang munaa. Hanggang sa wala na akong maramdamang pagasang mababalik natin ang nakaraan. Nakaraan kung paano tayo. Yung pagaasang magiging tayo ulit. Wala mang kasiguraduhan. Pero hindi ko na kailangan isipin yun ngayon. Kung mangyyri man yun, edi mas magiging masaya ako. Kung hindi naman eh, edi okay. Tatanggapin ko.
Kung ano mang meron tayo ngayon, masaya ako.
Kung hindi man tatagal, Kung pansamantala lang ung kaligayahang ito. Okay.
Tatanggapin ko.
Malapit na at matatanggap ko na din ang lahat.
Ang mga bagay na ito.
In Gods Time.
Matatanggap ko din lahat.
No comments:
Post a Comment