Friday, July 3, 2015

So Hard.

Ang hirap tanggapin na magkaibigan na lang pala kami ngayon, na habang tumatagal natitiis nya ako. Hindi kami nagkakausap. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Oh ako lang cgro ang di mkatanggap.

Hindi ko alam kung pano magsisimula, hindi ko alam kung pano ko sisimulan, hindi ko alam kung pano ko haharapin. Hindi ko alam. Ang alam ko lang,Masakit. Malungkot. Masakit, malungkot.

Tumatawa ako sa ofc pero para ipakita na strong ako, pero kapag ako na lang magisa. Di ko maiwasang ndi magisip. Di ko maiwasang magtanung sa sarili ko.

Masaya kami ng mga nkaraang araw, okay kaming dalawa pero biglang na lang nagkaganun. Hindi ko alam. Akala ko totoong mahal nya ako. Akala ko mahalaga ako saknya. Akala ko iingatan nya ako. Akala ko kami na tlga. Akala ko lang pala. 

Nalulungkot ako kasi wala na ung taong magaalala sakin. Yung taong susunduin ako kahit san para lang maging safe ako. Yung taong tatawagan ka, yung taong ittxt ka. Yung taong gagawin lahat mapasaya ka lang. Yung taong handang umintindi sayo. Yung taong tutulungan ka kapag may kaelangan ka. Mahal asan kana? Kaelangan kita B.


Hayyys. Lord. Give me strength. Kung nagmamahalan tagal kami magkakaayos kami at mas magiging masaya. 


No comments:

Post a Comment